Una sa Balita

Palasyo sa mga LGU: Maghanap ng isolation, quarantine facilities

0 333

Pinakilos ng gobyerno ang mga local government unit na maghanap ng mga pasilidad ng gobyerno na maaaring pansamantalang gawing isolation at quarantine facility sa harap ng patuloy na paglaban ng gobyerno sa coronavirus disease 2019.

Ang direktiba ay inihayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, batay sa inaprubahang resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Nograles, ang temporary quarantine at isolation facility ay gagamitin para sa mga pasyenteng inoobserbahan o ginagamot dahil sa COVID-19.

Sakop ng direktiba ang provincial,city, municipal hanggang barangay level, pati na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindano.

Inaasahang maglalabas ng guidelines ang Department of Interior and Local Government (DILG) hinggil dito.

Kasama rin sa mga inatasang maghanap ng government facility para magamit na temporary isolation at quarantine facility ay ang government -owned and controlled corporations

Bagaman nakasentro sa Luzon ang ginagawang pagtutok ng IATF sa mga naapektuhan ng COVID-19, may mga pailan-ilan na ring kasong naitala sa Visayas at Mindanao.(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More