Una sa Balita

Palasyo sa CHED: UP-Visayas kastiguhin!

0 423

KINASTIGO ng Malacañang ang mga estudyante ng University of the Philippines-Visayas dahil sa kanilang viral video na ipinapanawagang patayin ang Presidente.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles na bagama’t kinilala ng gobyerno ang freedom of expression ng bawat Pilipino, mayroon aniyang limitasyon ito.

Lumilitaw aniya sa ipinagsigawan ng mga estudyante ng UP Visayas na “kill this President charot” ay lumalagpas na ang mga ito sa limitasyon.
“Merong freedom of expression ang ating mga kababayan, at while nirerespeto natin yan hindi naman limitless ito dahil meron din tayong responsibilities bilang mamayan at responsible citizens.

Dapat careful lang tayo sa mga sinasabi natin kasi hindi naman basta basta puwedeng magsabi ng “kill this President”. Medyo napupunta doon sa line na baka nag-o-overstep na kayo ng boundaries,” ani Nograles.

Hindi aniya maaring ikatwiran ng nabanggit na institusyon na bahagi ito ng freedom of expression dahil hindi na mga menor de edad ang mga estud­yanteng sumisigaw na patayin ang Presidente.

“Dapat sigurong ma-take-up ng CHED board ang isyu para malaman kung ano ang magiging hakbang nila whether to prevent such occurences from happening or kung meron bang mga sanctions na ipapataw or warning,” wika pa ni Nograles. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy