Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palasyo sa 9 Calabarzon tsugi: Wala kaming kinalaman diyan!

0 119

Nilinaw ng Malacañang na walang kinalaman ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang lahat ng mga rebelde sa ginawang raid ng mga otoridad nitong weekend na nagresulta sa pagkasawi ng siyam na aktibista.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang kaugnayan ang direktiba ng Presidente sa raid ng mga otoridad dahil ang “kill kill kill” order ay para sa mga rebeldeng may mga hawak na baril.

Iimbestigahan aniya ang pagkamatay ng siyam na aktibista at kapag napatunayang may mali sa pagsalakay ay dapat na malitis at maparusahan ang mga ito.

“Doon sa mga napatay na mga aktibista, ang obligasyon ng estado ay iimbestigahan at kung makita nila na mayroon talagang dapat parusahan, ang obligasyon ay lilitisin at paparusahan ang mga pumatay,” ani Roque.

Pinalagan ng kalihim ang pilit na pag-uugnay ng mga kritiko sa utos ng Pangulo sa pagkamatay ng siyam na aktibista.

Ipinaliwanag ni Roque na ang sakop lamang ng direktiba ng Pangulo ay yaong mga rebelde na mayroong baril na handang pumatay sa mga puwersa ng gobyerno.

“Meron pong batas na umiiral sa labanan sa panig ng gobyerno at CPP-NPA. Dahil may digmaang nangyayari, hindi bawal pumatay. Ang ating batayan ay kung mayroong military necessity sa pagpatay,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.