Una sa Balita

Palasyo nanlamig: Relasyon sa Iceland putulin na!

0 251

KINATIGAN ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang posisyon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na putulin ang ugnayan sa Iceland kasunod ng resolusyon sa United Nations Human Rigts Council (UNHCR) na pagpapaimbestiga sa Pilipinas kaugnay sa war on drugs.

Sinabi ni Panelo na sa kanyang personal na opinyon ay malinaw na gustong ipahiya ng Iceland ang Pilipinas sa buong mundo sa pamamagitan ng UNHRC.

Hindi aniya tamang siraan ng Iceland ang soberenya ng Pilipinas dahil lamang sa mga walang batayang akusasyon.

“That is my opinion. I support the stand of Secretary Teddy Locsin, but in the ultimate analy­sis, the chief architect of the foreign policy of this country is the call of the President.

Kasi kapag ang isang bansa ay nagpapahayag ng mga posisyon na makakasira sa ating kasarinlan o sovereignty ay kailangan talagang putulin natin ang relasyon natin sa kanila kung wala silang gagawin kung hindi siraan lang tayo nang siraan sa mga kalakaran na hindi naman batay sa tunay na pangyayari dito sa ating bayan,” ani Pa­nelo.

Bukod kay Locsin ay iminungkahi rin ni senador Imee Marcos na putulin na ang ugnayan sa Iceland dahil sa paggigiit na imbestigahan ang Pilipinas kaugnay sa umano’y extra judicial killings.

Ayon pa kay Panelo, walang embahada ang Iceland sa Pilipinas at wala ring embahada o konsulado ang Pilipinas sa nasabing bansa.

Hindi rin matiyak ni Panelo kung mayroong trade relations ang Pilipinas sa Iceland at kung gaano kalaki ang inilagak na negosyo ng mga ito sa bansa. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy