Una sa Balita

Palasyo nangako ng hustisya sa 22 mangingisdang binangga ng China

0 287

Tiniyak ng Palasyo na mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng 22 mangingisdang Pilipino sa nangyaring banggaan ng bangkang pangisda sa Recto Bank, Palawan habang hinihintay ang pormal na imbestigasyon na isinagawa ng dalawang bansa na makakapagbigay-linaw sa naganap na insidente.

Kasabay nito, itinalaga si Agriculture Secretary Manny Piñol kasama si Energy Secretary Alfonso Cusi na tutulong at aalalay sa 22 mangingisdang nakaranas ng trahedya.

Sa ipinalabas na pahayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles, napagkasunduan sa ginanap na joint meeting ng Economic Deve­lopment at Security, Justice and Peace clusters na itoka kay Piñol ang pagtutok sa pagtulong sa mga mangingisda.

“DA Sec. Manny Piñol has been designated Chairman of the government response focused primarily on assisting the 22 affected fishermen, with Region IV-B CORDS DOE Sec. Alfonso Cusi as as co-lead. Sec. Piñol has been directed to tap all available government resources––including assistance from DA and DSWD––to assist our countrymen, with components of the support package to come from other government agencies,” sabi ni Nograles.

Sa ginanap na pulong, natalakay aniya ang insidente sa Reed Bank na muntik ng maging mitsa sa buhay ng 22 mangingisda.

Nagsasagawa na aniya ng imbestigasyon ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno para matukoy ang lawak ng pananagutan ng mga sangkot sa insidente, pati na ang pinaka-epektibong paraan para sa pagkamit ng hustisya para sa mga biktima. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy