Una sa Balita

Palasyo naligalig sa polio outbreak

0 234

HANDA ang gobyerno na pagkalooban ng anumang tulong para matigil ang paglaganap ng polio sa bansa.

Ito ang reaksyon ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kaugnay sa ulat na may bagong kaso ng polio sa bansa matapos ang 19 taon pagiging polio-free ng bansa.

“Even during our Cabinet Assistance System next week, isa rin ito sa pag-uusapan namin doon kasi nandoon naman ang ibang agencies and departments so kung meron man kaming­ maitutulong sa Secretary of Health, then we’ll be ready to assist him in whatever way,” pahayag ni Nograles.

Binigyang-diin pa ng kalihim ang kagya’t na pag-aksyon para maiwasan ang pagkalat ng polio.

“We want to reverse this trend. Nakakabahala na after 19 years nagkaroon tayo ng findings of the presence of polio here. Alam po natin na lubhang nakakahawa po ang polio virus especially among children. So kailangang bilisan natin ‘yung actions natin to stop this and to reverse it,” dagdag nito.

Samantala, sinabi ni Nograles na maaring­ isisi sa kakapusan ng bakuna ang nangya­ring polio outbreak. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy