Palasyo nahilaw ang tuwa sa TIME dahil kay De Lima

By

Lumabas na ang mga artikulo ng Time magazine tungkol sa World’s 100 Most Influential People of 2017 at ang reaksyon dito ng Malacañang, malayo sa naunang “festive mode” nang mapaulat noon na si Pangulong Rodrigo Duterte ang tinanghal na ‘winner’ sa online polls ng pamosong foreign magazine.

Kapansin-pansin na lalong nahilaw ang pagsasaya ng palasyo dahil napasama si Sen. Leila de Lima sa “Icons” category ng World’s 100 Most Influential People. Si Pangulong Duterte ang nanguna sa kinabibilangang “Leaders” category kung saan kasama niya sina US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin, Chinese President Xi Jinping, Pope Francis at iba pa.

Sa maikling profile na isinulat ni dating US Ambassador to the United Nations Samantha Power, ganito inilarawan si De Lima, “Most opposition politicians have kept their heads down, knowing Duterte is both terrifyingly brutal and massively popular.

But Senator De Lima has become Duterte’s most vocal critic—a role her friends call suicidal. Last August, De Lima convened a hearing on Duterte’s drug-war killings, featuring devastating testimony from a former hit man. Duterte allies stripped De Lima of her Justice Committee chair. In February she was jailed.”

Dagdag pa ng artikulo, “And yet, even from prison, she continues to speak out against her President: ‘It’s not O.K. with me that we have a murderous psychopath occupying the highest post in the land’.”

Hindi nagustuhan ni presidential spokesman Ernesto Abella ang hindi pagbanggit sa artiukulo na ‘ipinakulong’ ng korte ang senadora dahil sa mga kasong may kinalaman sa illegal drug trade.

Maging ang write-up tungkol kay Pangulong Duterte ng TIME na sinulat naman ni dating Colombian President Cesar Gaviria ay hindi rin nagustuhan ng Malacañang dahil binigyan-diin dito ng huli na mali ang istilo ng ‘war on drugs’ dahil inuulit lamang umano nito ang kanyang naging pagkakamali na paggamit ng kamay na bakal sa pamumuno sa Colombia para madurog ang drug problem.

“There are solutions that work. Duterte could start by treating drugs as a health, human rights and development issue. He could prosecute the most violent criminals and provide treatment for users rather than condemn them to prison, or worse. There will always be drugs in the Philippines, whether the President likes it or not. The tragedy is that many more people are likely going to die as he learns this lesson,” ani Gaviria

Pero sinopla ito ng palasyo, “The fact remains that President Duterte is supported by majority of the Filipinos in his campaign against illegal hard drugs, crime and corruption,” pagmamalaki ni Abella.

SHARE