Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palasyo nagbabala vs fake news kay Duterte

0 34

HUWAG maniwala sa fake news patungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ipinaalala ni Presidential Communications Operatins Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kanyang Facebook post matapos kumalat ang tsismis na nagkaroon umano ng mild stroke si Pangulong Duterte.

Naka-post sa FB account ng kalihim ang screenshot ng ulat na umano’y nagkasakit si Pangulong Duterte mula sa Maharlika TV at tinatakan ng fake news.

“Huwag magpapaniwala sa fake news” ani Anda­nar sa kanyang Facebook post.

Umikot ang fake news nitong Miyerkoles matapos kanselahin ang nakatakda sanang ‘Talk to the People’ ng Pangulo dahil marami sa miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang nagpositibo sa COVID-19.

Tiniyak naman ng pamunuan ng PSG na ligtas ang Pangulo sa COVID-19 at maayos ang kanyang kalusugan. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.