Una sa Balita

Palasyo naalarma sa 11 marinong dinukot

0 348

NAG-AALALA ang Malacañang sa 11 marinong Pinoy na dinukot ng mga pirata sa West Africa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala pang ibinibigay na report si Labor Secretary Bello III hinggil sa insidente subalit tiwala ang Palasyo na inaasikaso na ito ng kalihim.

Sa mga ganitong pagkakataon aniya ay agad na gumagawa ng mga hakbang ang gobyerno para mailigtas ang mga dinukot na pinoy.

“Siyempre, we are concerned about the kidnapping and Secretary Bello is handling it. Wala pa siyang binibigay na report,” ani Panelo.

Ang 11 Pinoy seafarer ay magkakahiwalay na dinukot ng mga pirata sa Togo at Benin.

Dalawa umano ang dinukot sa Togo habang ang siyam ay binihag ng mga pirata noong nakalipas na linggo sa Benin. (Aileen Taliping/Prince Golez )

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy