Una sa Balita

Palasyo mega-explain sa Panelo SOLV draft

By ,
0 2

Matapos ihayag kamakalawa ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na noon pa man ay naka-ready na ang draft ng ‘state of lawless violence’ (SOLV) bago pa ang Davao City bombing, todo paliwanag ngayon ang Malacañang kung bakit matagal nang plantsado ang SOLV.

Ayon kay Assistant Secretary for policy and legislative affairs Christian Ablan, ng Presidential Communications Office (PCO), “Due to the broad intelligence reports submitted to the President… the President may have talked or discussed with Chief Presidential Legal Counsel Panelo regarding the drafting,” paliwanag ni Ablan.

Kahapon ay inihayag din ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa ang posibilidad na nagsanib-puwersa na nga ang Abu Sayyaf Group (ASG) at ang tinaguriang mga narco-terrorists (mga teroristang dinadaluyan ng drug money).

“Itong mga Abu Say­yaf, they kidnap people for money, they can also bomb people for mo­ney,” ayon kay Dela Rosa.