Una sa Balita

Palasyo kumambyo sa ‘Oust Duterte’ matrix

0 408

Nag-iba ng tono si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa isyu ng ‘Oust Duterte’ matrix matapos itangging nanggaling kay Pangulong Rodri­go Duterte ang ouster plot matrix na lumabas noong nakalipas na linggo.

Sinabi ni Panelo na natanggap niya ang matrix sa hindi kilalang source kaya’t ipinalagay na katulad lang ito ng matrix na inilathala sa isang paha­yagan.

Sinabi ni Panelo na kinunsulta naman nito ang natanggap na matrix kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pag-uusap nila sa telepono at binigyan aniya siya ng go signal ng Presidente para ilabas ito sa publiko.

Itinanggi rin ni Panelo na sa kanya nanggaling ang terminong ‘Oust Duterte’ matrix.

“Hindi, wala, wala siyang ibinigay (President). Basta may nagpadala lang sa akin ng matrix. Di ba,. sabi ko sa inyo may nagpadala sa akin ng text.

Ipinakita ko nga sa inyo nasa telepono ko. May nagtanong nga sinong nagpadala, sagot ko “ewan ko,” ani Pane­lo.

Hindi naman masabi ng kalihim kung ano ang papel ng nagpakilalang ‘Bikoy’ sa narco video sa ouster plot matrix.

Matatandaang sa regular briefing noong Abril 22, 2019 ay direktang tinukoy ni Panelo si Pangulong Duterte na siyang pinagmulan ng ‘Oust Duterte’ matrix, at bilin pa aniya ng Presidente na kapag may tanong ang media ay siya ang tanungin tungkol sa matrix. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy