Una sa Balita

Palasyo kinansela ang pasok sa ehekutibo, estudyante sa MM

By
0 612

Sinuspende ng Malacañang simula alas-tres nang hapon kahapon ang pasok ng mga tanggapan sa ehekutibo at klase ng mga estudyante sa lahat ng antas sa Metro Manila.

Sa ipinalabas na Memorandum Circular #46 ng Office of the Executive Secretary, ang suspensiyon sa pasok sa ehekutibo at mga estudyante ay ibinatay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Managenent Council dahil sa pabago-bagong kondisyon ng panahon ngunit hindi sakop ang mga ahensiyang naghahatid ng mga pangunahing serbisyo gaya ng mga ospital, BFP, PNP at disaster preparedness.

Ipinaubaya ng Malacañang sa mga pri­badong kompanya ang pagpasya sa pagsuspende ng pasok ng kanilang mga empleyado.