Una sa Balita

Palasyo kay Trillanes: Tama na ang drama, uwi na!

By
0 605

PINAPAUWI na ng Malacañang si Senador Antonio Trillanes IV mula sa siyam na araw na pananatili sa Senado para makaiwas sa posibleng pag-aresto matapos mapawalang-bisa ang kanyang amnestiya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na overacting na ang drama ng senador dahil halos tumira na ito sa Senado.

Hindi aniya makatwiran na ang taumbayan ang magbabayad sa gastos ni Trillanes sa pananatili sa Senado partikular ang paggamit ng kur­yente at tubig.

Binigyang-diin ni Roque na tanging ang Presidente at Bise Presidente lamang ang may pondo sa board and lodging at hindi kasama ang mga senador.

“Drama lang po ‘yang pag-stay diyan sa Senado. OA po ‘yan. Umuwi na kayo dahil hindi naman tama na ang taumbayan ang nagbabayad ng inyong board and ­lodging diyan sa Senado,” ani Roque.