Una sa Balita

Palasyo kay PNoy: Relax, hindi ka matutulad kay De Lima

By
0 1,918

PINAWI ng Malacañang ang pangamba ni da­ting Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na baka matulad sa nakakulong na si Senadora Leila de Lima.

Ang dating Pangulo ay nahaharap sa kaso kaugnay sa kontrobersiyal na palpak na programa gamit ang Dengvaxia vaccine.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maluwag si Pangulong Rodrigo Duterte sa Dengvaxia issue at hindi ito nagpapadala sa opinyon ng ibang tao.

Katunayan aniya ay hinihintay ni Pangulong Duterte ang findings ng pinagkatiwalaang eks­perto dahil ang mga naunang opinyon ng mga eksperto ay magkakasalungat.

“Well I think the President has been very laid back on the issue of Dengvaxia. He has made it clear that he is awaiting the findings of a group of foreign experts. He is not swayed either way by anyone’s opinion because so far, all the experts’ opinions contradict each other,” ani Roque.

Dapat aniyang magpasalamat si dating Pangulong Aquino kay Pa­ngulong Duterte dahil hindi nito ginamit ang isyu para buweltahan o habulin ito, dahil hindi ugali ng kasalukuyang administrasyon na gantihan ang mga kalaban.

“So I think the former President should give cre­dit to President Duterte because he could have made it into political witch hunt, and he did not,” ­dagdag pa ni Roque.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More