Una sa Balita

Palasyo kay Napoles: Sabihin ang katotohanan sa pork scam

0 1,434

MAHALAGANG malaman ng taumbayan ang katotohanan sa kontro­bersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam ng nakaraang administrasyon.

Ito ang tugon ng Palas­yo sa mga kumukuwestiyon sa pagkakalagay ng Department of Justice (DOJ) sa itinuturong mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na mahalagang tuparin ni Napoles ang pangako nitong ihahayag na niya ang kanyang nalalaman sa kontrobersiya.

Ayon kay Andanar, kahit si Napoles o hindi ang pinaka-qualified na testigo sa pork barrel scam, ang importante ay sabihin nito ang katotohanan.

Matatandaan na sa nakalipas na mga pandinig ng Senado ay nanindigan itong i-invoke ang kanyang karapatang manahimik sa kabila ng pagsisiwalat ng kanyang dating tauhan at kamag-anak na si Benhur Luy.

Ilan sa mga sinasabing nakinabang sa pork barrel scam ang ilang mga dati at kasalukuyang kongresista, senador, gayundin si dating Budget Secretary Butch Abad at iba pang opisyal ng nagdaang administras­yon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy