Una sa Balita

Palasyo kalma lang sa pag-alburuto ng Taiwan

0 367

KALMA lamang ang Malacañang sa pag-aalburuto ng Taiwan sa pinairal na travel ban dahil sa 2019 novel coronavirus.

Sa halip na patulan, pinaliwanag na lamang ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nais lamang ng gobyerno na pa­ngalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino.

“The health of the Filipino people is our outmost concern,” ani ni Medialdea.

Noong Enero 31, pinairal ni Pangulong Duterte ang travel ban sa China, Macau at Hong Kong upang labanan ang pagkalat ng coronavirus na pumatay na sa hi­git 1,000 katao sa China.

Subalit mayorya naman ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang nagdesisyon na isama ang Taiwan sa travel ban.

“We want to ensure that tra­vellers, regardless of nationality, coming from or have been recently to China do not enter Philippines. We understand your sentiments, but this measure is necessary and only temporary until the virus is contained,” paliwanag ni Medialdea. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More