Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palasyo inspirado sa mataas na approval, trust rating ni Digong

0 42

PINASALAMATAN ng Malacañang ang patuloy na suporta at pagtitiwala ng mayorya ng mga Pilipino sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng resulta ng survey ng PUBLiCUS Asia Inc. para sa first quarter ng 2021 kung saan lumabas na si Pangulong Duterte pa rin ang most trusted national public official na mayroong 65% approval rating at 55% trust rating.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na indikasyon ang resulta ng survey na maligaya ang mga Pilipino sa pamumuno at performance ni Pangulong Duterte.

“We express our gratitude to the Filipino people for making President Duterte the most approved and e most trusted national public official in the country,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na ang malakas na tiwala ng publiko ang lalong nagpapalakas at nagbibigay-inspirasyon kay Pangulong Duterte at maging sa miyembro ng gabinete para lalo pang paghusayin ang trabaho at mapaglingkuran ang sambayanan sa kabila ng kinakaharap na pagsubok sa epekto ng COVID pandemic sa bansa. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.