Una sa Balita

Palasyo hinubaran ang oust Duterte plot

0 450

INILABAS ng Malacañang ang matrix ng mga journalist na nasa likod umano ng planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang matrix ng journalists ay kunektado sa nagpakilalang “Bikoy” na naglabas ng narco video kung saan isinasangkot si Pangulong Duterte at pamilya nito sa sindikato ng iligal na droga.

Ayon kay Panelo, ang matrix ay nagmula mismo sa tanggapan ng Pa­ngulo subalit hindi nito batid kung sino ang source ni Pangulong Duterte.

Marami aniyang mapagkukunan ng impormasyon si Pangulong Duterte kaya nakuha nito ang mga nasa likod ng plano.

“The source of that is from the Office of the President. From the President himself. I dont know how he got one but its coming from the President. I talked to him the other day. You must remember that the President has so many sources so he got this matrix from one of his sources,” ani Panelo.

Niliwanag ng kalihim na hangga’t walang actual execution ng ousts Duterte plot ay hindi kikilos ang pamahalaan para kasuhan ang mga personalidad na nasa likod ng oust Duterte matrix.

Base sa naturang plano na inilabas ng pahayagang Manila Times na isinulat ni Dante Ang, kasabwat umano ang ilang media at mga organisasyon sa paninira kay Pangulong Duterte upang magalit ang publiko, militar at pulisya sa pagpapabagsak ng gobyerno.

Tinukoy sa matrix ang utak ng black propaganda na si ‘Bikoy’ na siyang nagpasa ng materyales kay Ellen Tordesillas, presidente ng Vera Files. Si Bikoy ang matatandang lumabas sa YouTube video na nagsabing sangkot sa iligal na droga ang ilang malapit na kaanak at kaalyado ni Pangulong Duterte.

Si Tordesillas naman umano ang distributor ng materyales sa Rappler, Philippine Center for Investigative Journalism at National Union of Peoples Lawyers (NUPL) upang maipakalat sa kanilang hanay.

Mariin namang itinanggi ni Tordesillas gayundin ng Rappler, PCIJ at NUPL ang akusasyon.

“It’s downright false. It’s hilarious. But what I find disturbing is, if this is the kind of intelligence report that the President gets and bases his actions and policies on, the country is in big trouble,” ayon sa statement ni Tordesillas.

“It’s bad when the government lies through it’s paid PR to manipulate its people,” diin ni Rappler CEO Maria Ressa.

“Wrong report, on many counts,” ayon naman sa PCIJ.
“This has certainly gone over the walls of credulity. It is absolutely false, totally baseless and completely ludicrous,” ayon naman sa pinost ng NUPL sa kanilang Facebook account.

Handa naman ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang umano’y destabilization plot laban sa Pangulo pero ayon kay PNP Chief Gene­ral Oscar Albayalde, wala pa silang hawak na ebidensiya na may organisadong pagkilos para pabagsakin ang Pangulo pero may posibilidad na gawin ito.

Ayon naman kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Chief Col. Noel Detoyato, wala pa silang nakikitang specific threat para mapatalsik ang Pangulo. (Aileen Taliping/Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy