Una sa Balita

Palasyo happy sa SWS survey na nabawasan ang mga pobre

0 247

IPINAGMALAKI ng Malacañang na nagbubunga na ang mga pagsisikap ng Duterte administration para maiahon sa kahirapan ang mayorya ng mga Pilipino.

Kasunod ito ng March 2019 Social Weather Stations (SWS) survey na nagsabing 38% ng mga Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap, mas mababa ng 12%, kumpara sa naitalang 50% noong Disyembre 2018.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na indikasyon ito ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na malagpasan ang mga balakid sa pag-ahon ng buhay ng mga Pilipino.

“The Palace welcomes the continuous improving sentiment of Filipino families­ that no longer consider­ themselves poor,” ani Panelo.

Pinasalamatan ng Palasyo ang mga economic manager gayundin ang mga miyembro ng Human Development and Poverty Reduction Cabinet Cluster, social welfare officer at barangay health worker dahil sa walang kapagurang serbisyo at aksiyon para mabago ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.

Sinabi ni Panelo na ang magandang resulta ng SWS survey ay palatandaan na hindi umubra ang mga mapanirang propaganda ng mga kritiko sa Duterte administration na itinaon pa noong panahon ng kampanya.

Target aniya ng Duterte administration na mabawasan at maibaba ng hanggang 14% ang antas ng kahirapan hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022 na katumbas ng anim na milyong Pilipino. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy