Una sa Balita

Palasyo happy sa mababang inflation rate

By
0 414

Ikinagalak ng Malacañang ang patuloy na pagbaba ng inflation rate kung saan naitala sa 5.1% sa pagtatapos ng 2018.

Ito ang naitalang pinakamababang inflation rate ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula noong Hunyo 2018 na nakapagtala noon ng 5.2%.

“Inflation continues to drop, registering 5.1% in December, based on the report of the Philippine Statistics Authority. This is positive news given that the aforementioned figure is the lowest since June 2018, which had a rate of 5.2%,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo, malaki ang kinalaman sa pagbaba ng inflation rate sa inilabas na Administrative Order No. 13 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapaikli ng proseso sa pag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura gaya ng bigas.

Bukod pa aniya dito ang pag-iisyu ng Memorandum Order Nos. 26, 27 at 28 na nakatulong upang maging matatag ang pres­yo ng agriculture at fishery products at matiyak na may sapat na suplay ng pagkain sa merkado.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Panelo na hindi magiging kampante ang pamahalaan, bagkus ay mananatiling nakabantay ang gobyerno sa pagmo-monitor ng mga pangunahing bilihin at magpatupad ng mga hakbangin para mapagaan ang kabuhayan ng mamamayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy