Una sa Balita

Palasyo: Free Tuition Law ngayong 2018 epektibo

By
0 3,440
NGAYONG 2018 pa lamang magiging epek­tibo ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, kilala bilang Free Tuition Law.
 
Ito ang paglilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque sa isang press conference sa lalawigan ng Camarines Sur.
 
Ayon kay Roque, noong 2017, tanging ang tuition fee pa lamang ang libre kung kaya mayroon pa ring mga binayaran ang mga estudyante.
 
Sinabi ni Roque, nasa ilalim kasi ng 2018 National ­Budget ang pondo para sa Free Tuition Law na dahilan kung bakit ngayong taon pa lamang ito ganap na maipapatupad.
 
Nilinaw din ni Roque na hindi pa maipapatupad ang nasabing batas sa lahat ng pampublikong pamantasan at kolehiyo dahil hindi pa ito fully implemented sa unang isang taon.
 
Sinabi pa ni Roque na kung hindi pina­hanapan ng paraan ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte, muntik nang hindi maipasa ang Free Tuition Act dahil hindi sumang-­ayon ang economic team na lagdaan ito ng Chief Executive.
 
Nabatid na ngayong taon sa pamamagitan ng nasabing batas ay libre na ang tuition fee sa state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs) at state-run technical-vocational schools.