Una sa Balita

Palasyo dumistansiya sa death threat sa Trillanes judge

By
0 2,540

NANINIWALA ang Malacañang na isang uri ng pananakot kay Makati Regional Trial Court (RTC) Judge Andres Soriano ang mga ipi­nadalang bulaklak ilang araw bago ang inaasa­hang paglalabas ng desisyon nito sa kaso ni Senador Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, lumilitaw na tila pine-pressure ang hukom batay sa mga ipinapadalang bulaklak.

Ayon sa kalihim, hindi well-wishing para sa kanya ang ibig sabihin ng mga bulaklak kundi ang kabaligtaran nito.
“I hear from the news that he has been recei­ving flowers. Sa akin ang dating ng flowers, hindi well-wishing kung hindi baka death wishing,” ani Panelo.

Lumilitaw na tinatakot ang judge na humawak sa kaso ni Trillanes para buhaying muli ang kaso nito kaugnay sa ginawang pag-aaklas laban sa gobyerno ng Arroyo administration.

Ang problema ayon kay Panelo ay hindi alam kung sino ang nagpadala ng mga bulaklak dahil tiyak hindi ito sasabihin ng flower shop dahil posibleng natatakot ang mga ito.

“Parang ine-intimi­date mo eh. But the problem is hindi mo alam kung kanino ga­ling. I don’t think the flower shop will tell you, ‘di natatakot din iyong mga iyon,” dagdag pa ni Pa­nelo.