Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palasyo, DND sinunod batas sa bagong Army chief

0 65

Pinuri ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pagsunod ng Malacañang at Department of National Defense (DND) sa pagtalaga ng bagong commanding general ng Philippine Army.

Sabi ni Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, nasunod ng Palasyo at DND ang Republic Act 8186 sa pagkakatalaga kay Maj. Gen. Andres Centino at pagpalit kay Lt. Gen. Jose Faustino Jr.

Kinuwestiyon ng senador sa Commission on Appointments noong Marso ang pagtalaga kay Faustino bilang Army commanding general noong Pebrero. Nakatakdang magretiro si Faustino sa Nobyembre.

“‘I thank and commend Executive Secretary Salvador Medialdea, the Department of National Defense and the Armed Forces of the Philippines for rectifying an oversight in appointing Lt. Gen. Faustino, and for their adherence to Section 4 of RA 8186,” ani Lacson, vice chairman ng Committee on National Defense ng Commission on Appointments.

Nilinaw din ni Lacson na hindi niya personal na tinututulan ang pagkakatalaga kay Faustino. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.