Una sa Balita

Palasyo ‘di susuko sa Cha-cha

By
0 199

MAY tatlong taon pa sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte para isulong ang charter change na maging daan para sa adhikain nitong mabago ang sistema ng gobyerno tungo sa pederalismo.

Tugon ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa mga senador na nagsabing walang pag-asang makalusot sa senado ang Cha-cha.

Ayon kay Panelo, mahaba pa ang termino ng Pa­ngulo at kung hindi makalusot ngayong Disyem­bre ang Cha-cha ay mayroon pa namang susunod na sesyon ng Kongreso.

“Well, kung walang pag-asa ngayong Disyembre ay mayroon pa namang susunod na session. So may pag-asa pa rin. Confident ang Palasyo dahil mahaba pa naman ang term ng Presidente,” ani Panelo.

Nauna rito, inihayag ng mga senador na wala nang pag-asang makalusot ang Cha-cha sa Senado pati na sa 17th Congress dahil marami sa mga mambabatas ang tutol na mabago ang Konstitusyon.

Pero, sinabi ni Panelo na hindi titigil si Pangulong Duterte na isulong ang Cha-cha dahil sa paniwalang ito ang lulutas sa matagal nang problema sa Mindanao kapag nagkaroon ng federal form of government.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy