Una sa Balita

Palasyo ‘di kabado sa pasabog ni Leni

0 536

HINDI natinag ang Malacañang sa banta ni Vice President Leni Robredo na mayroon itong isisiwalat na kanya umanong natuklasang kagimbal-gimbal laban sa administrasyon sa susunod na mga araw.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kung may natuklasan ang Bise Presidente sa ilang araw na pagiging drug czar nito ay sana inilabas na niya ito kaagad.

Naniniwala si Panelo na nagbaba­ngong-puri na lamang si VP Leni dahil nakita ng taumbayan na wala itong nagawa para tumulong sa paglutas sa problema sa iligal na droga.

“Alam mo kasi kailangang magba­ngong-puri si VP Leni kaya iyon ang ginagawa niya ngayon,” ani Panelo.

Binuksan lahat aniya kay VP Leni ang mga gusto nitong malaman tungkol sa iligal na droga kaya malinaw na ibinigay sa kanya ang impormasyon at hindi siya ang nakadiskubre nito.

Sinabi ni Panelo na baka ang natuklasan ng Bise Presidente ay ang kulang na budget ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs kaya siya humirit ng dagdag na pondo.

Sinabi pa ng kalihim na hindi magandang tingnan na ang Bise Presidente ay nag-iingay matapos masibak dahil sa kapalpakan nito. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy