Una sa Balita

Palasyo dedma kay Bono

0 435

Hindi pinatulan ng Malacañang ang inter­national artist na si Bono ng grupong U2 kaugnay sa pahayag nito na wala siyang balak na makipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte at hindi dapat na ikinu-kompromiso ang karapatang pantao.

Si Bono na kasalukuyang nasa bansa ay kilalang Human Rights advocate at miyembro ng Amnesty International.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na hindi na ikinagulat ng Malacañang ang komento ni Bono hinggil sa isyu ng karapatang pantao.

Hindi na ipinagtataka pa ang mga pahayag ni Bono hinggil sa karapatang pantao dahil matagal na itong miyembro ng Amnesty International.

“I saw the interview of Bono, and we all know that the has been a supporter and a member of the amnesty international for the longest time. He has his beliefs, ani Andanar.

Kaisa aniya ang gobyerno sa paniniwala­ ni Bono na dapat igalang at bigyang halaga ang karapatang pantao.

Sa simula pa lamang aniya ng Duterte admi­nistration ay ito na ang patakaran–ang protektahan ang karapatan ng bawat Pilipino.

“We agree, the fact that human rights should be upheld. That’s a policy of the govt that we should protect every person. Human tights is sacred,” dagdag ni Andanar.

Katulad aniya ng naging pahayag ng Chief Executive Officer ng Zipline, isang drone delivery service company, maraming saklaw ang karapatang pantao, kabilang na dito ang kalusugan.

Kaya naman ani Andanar na isa sa mga adbokasiya ni Pangulong Duterte ay ang universal health care na tagumpay na naisabatas sa ilalim ng kanyang administrasyon. ­(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More