Una sa Balita

Palasyo, deadma na sa mga banat ni Digong

By
0 2

Ayaw nang makisawsaw ng Malacañang sa pagbabatikos ni President elect Rodrigo Duterte sa United Nations (UN) na bigo umanong solusyunan ang mga crisis sa Gitnang Silangan gayundin sa Africa.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, mainam na hintayin na lamang ang opis­yal na pahayag ni Duterte ukol sa isyu sa oras na manungkulan na ito.

“Ang mahalaga siguro doon sa pagpasok ng bagong administrasyon ay makita ang lahat ng ‘yan sa tamang perspek­tibo.

Ang pangulo ang siyang pinaka-prinsipal na arkitekto ng ugnayang panlabas ng bansa. Kaya mainam siguro hintayin na lang kung ano ‘yung mga magiging opisyal na pahayag ng susunod na pangulo,” pahayag ni Coloma.

Aniya, ang mga naglalabasang komento at talakayan sa kasalukuyan ay pawang mga inisyal na obserbasyon lamang at preparatory remarks.

Ang maituturing umanong matimbang na pahayag ay kung opisyal na ito o gagawing official policy o patakaran ng susunod na administrasyon.