Una sa Balita

Palarong Pambansa sinahugan ni Briones ng native games

By
0 125

ILULUNSAD ni Department of Education Secretary Leonor Briones sa 62nd Palarong Pambansa 2019 sa Davao City ang kauna-una­hang ‘Laro ng Lahi’ na magtatampok sa mga kinagisnang pambansang laro na lalahukan mismo ng mga DepEd official at personnel sa Abril 27-Mayo 4.

Ipinahayag sa Facebook website ng DepEd na ‘depedtayo’ ang pagdagdag sa ‘Laro ng Lahi’ o iba’t ibang Philippine Indigenous Games na ipapakilala sa mahigit na 12,000 kalahok na kabataang estudyante sa pagbubukas ng kaganapan sa Davao City.

Ang mga bagong kasaling laro ay napagkasunduan ng nasabing kagawaran at ng City Government of Davao pagkatapos ng opisyal na pirmahan ng memorandum of agreement sa Davao City Hall para sa pagho-host ng lungsod sa taunang paligsan.

Nais ipaalam sa pagbabalik ng mga tradisyunal na laro na inimbento ng mga Pilipino, na mabuhay ang kultura ng bansa at interes rito ng kabataan sa pagpapakilala sa kadang-kadang, patintero, hilahang lubid, at karera ng sako.

Naka-MOA ang mga detalye sa gawain at res­ponsibilidad ng DepEd at City Government na napormalisa sa pagsang-ayon at pagpirma nina DepEd Secretary Leonor Briones at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Tema ng PP sa taong ito ang ‘Shaping the Future Through Sports’ kasama ang ang espesyal na ‘Sports Heroes Day’ na oportunidad para sa mga batang atletang personal na makausap ang kanilang mga sports idol at icon.()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy