Una sa Balita

Palami, Azkals positibo sa 2018 AFF Suzuki Cup

By
0 1,567

Napasama sa patayang grupo, pero malaki ang tiwala ni Philippine Azkals Team Manager Dan Palami na magpapakita ng magandang laban ang kanyang tropa sa paparating na 2018 Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup.

“The Suzuki Cup has always been a tough competition,” litanya ni Palami. “But we’re hoping that with the preparation we have in mind, we’ll have a better, maybe even the best, result.”

Nasama ang Azkals sa Group B na kinabibilangan din ng Southeast Asian powerhouse Thailand, 2016 finalists Indonesia, four-time champion Singapore at ang mananaig sa qualifier sa pagitan ng Brunei at Timor-Leste.

Rambulan naman sa Group A ang Vietnam, Malaysia, Myanmar, Cambodia at Laos. Isinagawa ang AFF Suzuki Cup draw nitong Miyerkoles sa Hotel Mulia Senayan sa Jakarta, Indonesia.

Bigong makasampa sa semifinal round ang Azkals taong 2016 kaya determinado ang tropa ni Palami na makabawi sa edisyong ito. Unang kakaharapin ng Azkals ang Singapore sa Nobyembre 13 dito sa Pilipinas at isusunod alinman sa Brunei o Timor Leste sa Nobyembre 17; kontra Thailand sa Nobyembre 21 dito sa bansa at dadayong Indonesia sa Nobyembre 25.