Una sa Balita

Palakol Gang dinale ang $4.7M alahas sa Ritz Hotel sa Paris

By
0 1,311

Nilooban ng mga armadong kalalakihan ang pamosong Ritz hotel sa Paris nitong Miyerkoles kung saan tinatayang 4 milyong euros o katumbas na $4.75 milyong halaga ng alahas ang natangay ng mga kawatan.

Limang katao na armado ng palakol ang tumira sa mga alahas na nakalagay sa display windows ng Place Vendome sa ground floor ng hotel dakong 6:30 ng gabi.

Sa mabilis na pagresponde ng mga pulis, agad na nasakote ang tatlo suba­lit nakatakas naman ang dalawa sa kabila ng isinagawang road blockade ng security forces.

Isang empleyado ng hotel ang nakakita sa isang lalaking nagmamadaling patakbuhin ang motorsiklo sa likod ng hotel matapos ang panloloob.

Talamak ang nakawan sa kabisera ng France dahil noong nakaraang taon, hinoldap ng limang kalalakihan na nakasuot ng jacket na may police insignia, ang reality television star na si Kim Kardashian kung saan tinangay sa kanya ang ilang piraso ng alahas na ginto at diamante na nagkakahalaga ng kabuuang 9 million euros.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy