Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palaganapin ang good vibes

0 507

Kapansin-pansin na lalong nagiging “toxic” ang maraming social media platform sa panahong ito ng pandemic.

Ibig sabihin, mga hate comments, awayan, batuhan ng kung anu-anong mga salita.

Pero may mga inspiring rin naman na nakaka-uplift ng spirits, mga talents na nakaka-wow, mga kuwentong nakakapagbigay aral.

Dahil mas nakaka-pukaw atensyon ang mga bangayan o awayan, hindi maiiwasang hindi mo mabasa ang mga ito. Tapos hindi mo namamalayan lahat ng mga nabasa mo ay naabsorb na ng isip at unconsciously naapektuhan ka.

Mapapa-react ka, mapapaisip ka, maaring kontra o umaayon ka sa nabasa mo sa social media.

Sa iba, ang social media ay isang paraan para mailabas ang kanilang saloobin o mai-express nila ang kanlang mga sarili sa isyung gusto nilang pag-usapan.

Pero sa iba naman ito ay nagdudulot ng psychological effect dahil hindi mo na naku-kontrol ang sarili mo.

Tama naman na nakakatulong ang social media, pero hindi sa paraang nakakapanakit ka nang tao at naapektuhan na rin ang buo mong pagkatao.

Pwede naman tayong maging influencer kahit puro mga pampa-“good vibes” lang ang pinu-poste natin.

Related Posts

‘Realidad’

Duyan

Mga videos na nakakapagpangiti sa atin, na pampagaan lang ng loob.

Sa mga gaya naming negosyante ang social media ay importante para mai-promote namin ang aming negosyo.

Hangga’t maaari mga light posts lang ang ibinabahagi namin para na rin sa kapakanan nang ibang mga underage na nakakakita ng aming mga pinu-posts.

Sa dami nang mga galit sa mundo, hinaing, problema at kung anu-ano pa, hindi na namin gusto pang dumagdag sa “toxic”.

Sa panahong ito importante na pagtuunan natin ng interes ay kung paano sa maliit nating pamamaraan ay makatulong tayo na mabawasan ang pagkalat ng COVID 19 sa bansa.

Hindi ito kayang pasanin ng gobyerno, kaya kailangan natin itong harapin at labanan nang bawat isa.

Sana dagdagan natin ng panawagan sa ating mga social media accounts ang ibayong pagiingat ng bawat isa laban sa COVID 19.

Huwag na nating gatungan pa ang iba para sa kanilang ikapapahamak. Pakalmahin natin ang ating kapwa at bigyan ng morale ang mga itong makakaraos din tayo.

Tungkol naman sa ABS CBN at sa isyu ng prangkisa, nanalangin ako na sana kung anuman ang magiging resulta ay makakabuti ito para sa lahat at sa mas nakararami.

Leave A Reply

Your email address will not be published.