Una sa Balita

Palace official nganga sa math-inik na senador

By
0 2,235

Kilalang henyo ang isang senador pagda­ting sa math kaya naman hindi umubra sa kanya ang isang opisyal ng Palasyo nang sila’y magkaharap.

Eh paano naman kasi, hindi kinaya ng mataas na opisyal sa Malacañang ang komputasyon ng senador patungkol sa mga kikitain ng gobyerno.

Todo paliwanag pa daw ang ginawa ng math-inik na senador kaya naman napanganga na lang ang opisyal ng Palasyo.

Abante Hiring – IT dep

Hindi naman daw nag-overload ang utak ng Palace official kundi hindi lang maintindihan ang mga numerong iprenisinta sa kanya.

Ang Palace official na rin daw ang sumuko sa galing ng senador nang ibahin nito ang topic na mas gamay nito kaya walang nagawa ang opisyal kundi ang makinig na lang sa kanyang kamiting.

Hindi na natin babanggitin ang pangalan ng Palace official kundi ang initial na lang ng mathinik na senador na may letrang O sa kanyang pangalan as in Outstanding.