Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palace exec ‘di maka-move on sa sinipang consultant

0 169

MATINDI pa rin ang ngitngit ng isang Palace official sa dating consultant na inalis sa isang grupong tumutugon sa problema sa COVID pandemic dahil hanggang ngayon ay paborito itong pasaringan sa publiko.

Hindi kasi nagugustuhan ng opis­yal ang pagiging matabil ng dating consultant na panay ang pa-interview sa media at kinukuwestiyon ang mga ginagawa ng gobyerno sa paglaban sa pandemya.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay nabanas sa dating consultant dahil iba ang mga sinasabi sa media kaya tinawag itong “pseudo expert”.

SM food to go Banner Ad

Alam n’yo ba mga utaw na tuwing nakakabasa at nakakapanood itong Palace official ng interview ni ex-consultant ay tumataas ang pres­yon nito at agad na rumeresbak at sinasabihan ang publiko na huwag maniwala sa mga nagpapanggap na eksperto.

Hindi lang naman si Palace official ang naiinis sa dating consultant dahil mismong ang opisyal na kumuha sa kanya ay naiinis rin sa mga pinagdadaldal nito sa media at pinagsisihan kung bakit kinuha niya ito noon bilang consultant.

Ang opisyal na gigil na gigil sa dating consultant ay kilalang-kilala, araw-araw halos na nakikita at naririnig sa radio at TV at animo laging nasa fighting mood kapag nireresbakan ang mga kritiko ng administrasyon.

Clue: May letrang O sa kabuuan ng pangalan, as in Over ang galit nito kay ex-consultant.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.