Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palace exec bakasyon grande sa lakad ni Digong

0 82

Sino raw itong opisyal ng Malacañang ang sinasamantala ang mga nalalabing araw sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte upang makapagbakasyon sa labas ng Metro Manila?

Naibulong ng ilang ‘Marites’ kay Mang Teban na noong bumisita raw ang Pangulo sa isang kalapit lalawigan ng National Capital Region (NCR), aba’y nag-overnight daw sa isang hotel malapit sa venue ang opisyal gayung kaya namang mag-travel by land ng isa o dalawang oras lamang.

Kung ang malapit na lugar ay ginawang overnight ng mokong, lalo pa kaya nung bumisita sa Baguio City ang Pangulo para sa graduation ng Philippine Military Academy (PMA).

Kalahating araw lang ang event dito pero inabot daw ng isang linggo ang pana­natili ng opisyal sa Baguio City as in talagang sinagad ang pagpapasarap at pagpapalamig sa City of Pines!

Ang classic dito, hindi naman napakahalaga masyado ang papel nitong abusadong opisyal dahil hindi naman nagagawa ang mandato na tila natutulog pa sa pansitan at nagkakabulagaan na lamang sa mga ginagawa ng Presidente.

Buti sana kung solo flight lang siya, eh bitbit pa nitong opisyal ang kanyang paboritong staff na umano’y barkada at dalawang kamag-anak nito na staff din niya kaya todo-pasarap ang ginawa sa loob ng isang linggo.

Alam kaya ni Pangulong Duterte na naglulustay ito ng pera ng bayan? Lagot ka, galit ang Presidente sa mga abusado sa puwesto, ikaw rin.

Pintahan niyo na. Ang opisyal ng Palasyo ay hilig mamakyaw ng raisin bread sa kilalang bake shop sa Baguio City gaya ng ginawa noong bago magpandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.