Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palaban sa TikTok, biritan: Anne ayaw patalbog sa mga Gen Z

0 72

Sa wakas ay naka-chikahan na nga namin si Anne Curtis (virtually), makalipas ang super habang taon.

Bago pa nga mag-pandemic ay hindi na halos nakakausap ng showbiz press si Anne, dahil di ba nga, nagpakasal, nagpunta ng Australia, at doon na nga sila inabutan ng pandemic.

Anyway, ganun pa rin naman si Anne. Kaaliw pa rin kausap. Super chika pa rin. At siyempre, maganda at seksing-seksi pa rin. Parang hindi nga siya tumatanda.

Aminado si Anne na hindi naging madali sa kanya ang magdesisyon na bumalik na sa concert scene, lalo na sa live concert talaga, o ‘yung kaharap mo na ang mga manonood mo.

Mula nga kasi sa unang plano na online concert, naging live concert na ito, at gagawin na nga ang ‘LuvAnne: The Comeback’ sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila sa June 11.

“Sobra akong exited at kinakbahan!” sabi ni Anne.

“The truth is lagi akong nagdedesiyon noon na, sige ituloy natin, then bigla na, ‘no ‘wag muna, hindi pa ako ready’. It was a constant battle sa akin.

“Kasi ang tagal na nitong in-offer sa akin, pagdating ko pa lang a year ago, tapos ngayon lang siya matutuloy.

“Kasi, kunyari ready na kami, then biglang dadami ang cases, so takot na naman ako. I have a baby nga, kaya mas nakakatakot.

“Maraming preparation talaga. But I think, what great bout this concert, parang kick off party of a comeback na rin ito. Na heto na, ready na ako, start na. Babalik na ako sa passion ko, of course, acting eventually,” chika pa rin ni Anne.

Pero, ang maipagmamalaki nga ni Anne, dahil napahinga raw ang boses niya, mas gumanda, tumaas nga raw ito.

“Mas maraming pasabog ngayon. Mas nag-mature ang style ko. Opera? Hahaha! Pang-Gen Z na ako. Hahahaha!

“Pero siyempre hindi naman mawawala ang biritan. I must say nakapahinga talaga ang voice ko, mas gumanda. Hahahaha!

“Hindi ko sasabihin na sobrang ganda, pero may improvement na talaga.

“What’s great about this, nakapag-voice lesson ako again. Nag-prepare talaga ako for this!

“Pero siyempre, may new songs din na maririnig, may mga TikTok songs, dance,” sabi pa ni Anne.

Pero siyempre, aminado si Anne na medyo nangalawang ang katawan niya, kaya bumalik siya sa pag-aaral magsayaw.

“There’s a lot of preparations for several months na. Dance rehearsals ko thrice a week. Band rehearsals. Voice lessons.

“Sabi ko nga, 2 years of normalcy for me and being a mom. Ang kinakanta ko lang ay nursery rhymes. That’s why bumalik ako sa pag-workshop, lalo na sa pagsayaw, nagpapaambot ulit ng katawan.

“Sa films naman, may mga sine-send ang Viva Films sa akin. We’re still trying to figure it out. Kasi siyempre, pandemic pa rin. Noon may lock in pa. And I wasn’t ready sa lock in.

“May mga konting adjustment din. Pero now, may mga binabasa na akong script. At ready na akong mag-acting workshop again.”

18M follower: Reyna pa rin ng Instagram

Anyway, wala ngang kupas ang kasikatan ni Anne, kahit sa social media. Katunayan, siya ang number one sa Pilipinas pagdating sa paramihan ng follower sa Instagram.

Well, may 18M follower nga si Anne sa IG, kaya bonggang-bongga talaga.

“Nakakatuwa lang na parang even if I’m not that active sa showbiz, o sa social media, or entertainment career ko, I’m very grateful na I still have na mga follower na nagsu-support pa rin sa akin. Maraming salamat talaga.

“May mga new followers din ako, na mga bata talaga. Kaya salamat talaga.

“And to those who have been my followers since day 1, grabe nababasa ko ang mga comments, sinasabi nila, ‘oo dalawang dekada na kitang sinusuportahan’. Parang sabay-sabay kami nag-grow. Ang iba, mothers na rin.

“I’m just so grateful na hanggang ngayon nandyan pa rin sila!” masayang pahayag ni Anne.

Ayaw pang sabihin ni Anne kung sino-sino ang mga special guest niya sa LuvAnne.

“A lot of new faces, na hindi ko pa nakaka-duet. ‘Yun ang mga dapat abangan. There’s something new na ipi-present namin sa audience. Ngayon ko lang talaga gagawin.”

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.