Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Palaban kay Omicron? Ellen, Derek sa Africa ang honeymoon

0 187

Ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna pala ay hindi pa sigurado kung tutuloy sa Africa for their honeymoon sa second week of January.

Lumalala rin kasi ang COVID-19 dahil sa Omicron variant, kaya tinitimbang pa nila ang pagpunta sa Africa.

Sabi nga ni Derek nang makausap ko, 50/50 pa ‘yon sa ngayon.

Naku, Dondon (my dear editor), after January 1 ko na tatanungin uli ang hunk actor tungkol sa Africa honeymoon nila ni Ellen kasi by that time ay firm na siguro sila kung tutuloy o hindi sa Africa, huh!

‘Yun na!

Maricel maraming pasabog sa YouTube

Ang bilis talaga ng takbo ng panahon, huh! Aba, nakita ko sa Facebook page ng kapatid ni Maricel Soriano na si Mykee Martinez na isang taon na pala ang apo nilang si Gido.

Anak nina Meryll Soriano at Joem Bascon si Gido at nag-share si Mykee ng ilang mga litratong kuha sa first birthday event ng bata.

Siyempre, um-attend si Marya sa first birthday event ng kanyang apo.

Mukhang ang saya ng event na ‘yon, huh!

Anyway, obvious na happy ang Diamond Star sa kanyang pagba-vlogging. Last week of October lang sinimulan ni Marya ang kanyang Official Maricel Soriano YouTube channel, pero may 14 videos na siyang nai-share at ine-enjoy ng kanyang mga follower.

Eh, si Marya pa naman ‘yung tipong hindi magba-vlogging, pero mukhang nakumbinsi siya ng kapatid na si Mel Martinez. Madalas ngang nakakasama ni Marya sa mga video na ipino-post niya sa YouTube ang kanyang pamilya.

Ngayon nga, ‘Soriano Family Christmas Lunch’ ang pinost ng premyadong aktres.

Pinakita na nga ni Marya ang kanyang Christmas tree. Usually raw ay sa bahay nina Mykee sila nagki-Christmas, pero this time raw ay sa bahay niya at potluck sila at lechon daw ang contribution niya.

May exchange gift din daw sila worth P500 na pampasaya lang.

Nice talaga kapag kasama mo ang pamilya mo, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.