Una sa Balita

PAL wawasakin ng CAB, Skytrax dahil sa extra fee, refund

By
0 2,848

NAGNGINGITNGIT sa galit ang ilang mga pa­sahero ng Philippine Airlines (PAL) na nakansela ang flight sa Boracay kasunod ng pansamantalang pagpapasara sa Boracay.

Una nang naki­pag-usap ang Department of Tourism (DOT) sa mga airline para huwag nang singilin ang mga apektadong pasahero sa pagpalit nila ng biyahe o paghingi ng refund pero sabi ng mga pasahero, hindi ito sinusunod ng PAL at baka fake news lang na iwi-waive ang mga fee.

Hindi sinasagot ni PAL spokesperson Cielo Villaluna ang mga katanu­ngan ng Abante.

Ayon sa pasaherong si Joshua Santillana, sini­singil siya ng PAL ng dagdag na mahigit sa P2,800 para i-reroute ang kanyang Boracay flight.

Nagreklamo naman ang Facebook user na si Emoi Tan Cab, na sini­singil sila ng mga kasamahan niya ng P1,539 bawat tao para i-rebook ang biyahe nila sa Iloilo kahit na economy pa rin.

Dagdag pa ni Cab, hindi rin sila bibigyan ng buong refund dahil naubos na umano ang ticke­ting service ng PAL.
Nagbabanta siyang dadalhin ang kanyang hinaing sa Civil Aeronautics Board (CAB).

Sabi pa ni Cab, kung kaya ng Cebu Pacific i-rebook sila nang walang dagdag na gastos para sa iba pa nilang biyahe sa Boracay, bakit hindi umano ito kayang gawin ng PAL.

Naiinis din si Ruby Valerie Tagoon dahil sinisingil siya ng fare diffe­rence kahit na parehong class pa rin ang gusto niyang i-rebook o i-reroute.

Ayon sa FB user na si Glenda Dulay, hindi naniningil ng fare diffe­rence ang CebuPac at Air Asia.
Pinaskil na sa FB page ng PAL ni Wins­ton Flores, ang link sa CAB para diretso nang makapagreklamo ang mga pasahero nito.

Ang mungkahi naman ni Ruby Pilante Salvosa, pabagsakin nila ang ra­ting ng PAL sa Skytrax dahil ito ang nagra-rank at nagre-rate sa mga airline.