Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PAL may sarili nang COVID-19 test sa mga pasahero

0 149

Nag-aalok ang Philippine Airlines (PAL) ng sarili nitong RT-PCR testing para sa mga pasahero na palabas ng bansa.

Sa inilabas na pahayag ng PAL nitong Sabado, sa loob lang ng 12 hanggang 24 oras ay may resulta na ang kanilang swab test.

Maaaring makakuha ng P500 discount ang mga pasahero mula sa regular rate na P4,500 simula Disyembre 1.

Matatagpuan ang testing site sa PAL Learning Center sa Ermita, Manila.

Puwedeng drive-thru o walk-in ang pagpapa-swab test at bukas ang kanilang testing facility mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Linggo. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.