Una sa Balita

PAL mabilis maningil, madamot sa refund

By
0 3,266

KUNG gaano kabilis kinuha ng Philippine Airlines (PAL) ang bayad ng kanilang mga pasahero sa flight patungong Boracay, pahirapan at patagalan naman ang pagkuha ng refund sa kompanya ng business tycoon na si Lucio Tan para sa mga naapektuhan ng pagsasara sa isla.

Ayon kay Joie Mara, isang oras at kalahati siyang nasa telepono nang pinapa-reroute niya sa Puerto Princesa ang flight nilang lima. Nang tuluyan nang kinansela ang flight mula Cebu papuntang Boracay.

Sabi ni Mara, ayaw i-reroute ng nakausap niya sa telepono ang kanilang flight. Nang hiniling niyang kausapin ang bisor, ganoon din ang sinagot sa kanya kaya minarapat na niyang humingi na lang ng refund.

Sabi ni Mara, 30 araw umano ang kailangan ng PAL bago ibalik sa kanya ang pera niya.

Madali naman aniyang maintindihan kung kakailanganin ng mga bangko at iba pang mga opisina ng ilang araw para iproseso ang tran­saksyon pero sobra-sobra naman ang 30 araw.

Nang kinausap niya ang bangko niya, sinabihan siyang 24 hanggang 72 oras lang ang kaila­ngan nito para iproseso ang kanyang transaksyon.

Sa 30 araw, pinagkakitaan na ng PAL nang paulit-ulit ang pera niya at ng mga iba pang mga pasaherong nakansela ang flight dahil sa pagsasara sa Boracay.

Ang masama pa dito, kinailangan din ikansela ni Mara ang round trip flight nila mula General Santos papuntang Cebu dahil wala namang direct flight mula General Santos patungong Caticlan.

Sinabi naman ni PAL spokesperson Cielo Villaluna na hindi sila naniningil para sa refund/rebooking/rerouting sa mga pasaherong apek­tado ng Boracay closure kung ginawa nila ito pagkatapos ng Abril 7 ng pormal nang inanunsiyo ang pagsasara ng isla.

Wala nga lang binigay na timetable si Villaluna kung kailan maibabalik ang pera ng mga pasaherong humihingi ng refund. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy