Una sa Balita

PAL-Lucio Tan sinira ang Pasko ng mga Dubai OFW

By
0 1,100

Sumama ang loob ng mga overseas Filipino worker sa Philippine Airlines na uuwi sana mula Dubai noong December 24 para umabot sila ng pasko kasama ang kanilang pamilya.

Kinansela ng PAL ang kanilang flight at nirebook ito kahapon.

Mismong amo ng isang domestic helper na ang humirit sa airline na pag-aari ng bilyonaryong negosyanteng si Lucio Tan. Sabi ng Facebook user na si So Fia, lilipad dapat nu’ng Disyembre 24 mula Dubai patungong Maynila ang kaniyang yaya para makapagpasko kasama ang anak niyang dalawang taon na niyang hindi nakakapiling.

Sabi niya, “flight was cancelled last minute, no apologies, no alternative, no visibility!.” Tanong niya sa PAL, paano nito planong bumawi sa kanyang yaya. “Hashtags are nice, li­ving up to them is better- so let’s see if you really care about your customers.”

Christmas badtrip ang ginawang pagkansela ng PAL sa kaniyang flight, sabi naman ng FB user na si Raymond Mendoza Nueles. “Mahal ang ticket and then ganito lang. December 24 chance na naming makasama pamilya namin. Very bad service, unsatisfied,” sabi niya.

Isang turistang taga-Dubai na magbabakasyon sana Pilipinas ang naimbyerna din sa PAL.

Sabi ni Christine Bea­hon-Riche, kasama siya dapat sa flight ng yaya ni So Fia. Bayad na ang kanilang kwarto sa isang resort na nabook nila para sa dalawang araw. Umabot sa 2,000 United Arab Emirates Dirham na katumbas ng halos P30,000 per night ang kanilang kwarto na hindi na nila magagamit.

“Two days we are paying for a room at a resort we can never use!…Zero apologies, zero compensation!!! Unacceptable,” sabi ni Beahon-Riche.

Binanggit naman ni Benjo Jimenez Sebuc na naka-book din sa PAL Flight 659, “PALpak talaga kayu, palpak ng service niyo, palpak pa kung paano niyo hinandle ang kapalpakan niyo. Kamahal pa naman ng ticket price niyo.”

Ayon sa PAL FB page, kinansela ang flight dahil sa operational requirements.
Tinanong ng Abante si PAL spokesperson Cielo Villaluna tungkol dito pero wala pa itong tugon as of press time.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy