Una sa Balita

PAL-Lucio Tan lugi ng P8.5B

0 381

HIGIT doble ang ikinalaki ng lugi ng PAL Holdings Inc. ni Lucio Tan nitong unang siyam na buwan ng taong ito kumpara sa parehong panahon nu’ng 2018.

Ayon sa PAL Hol­dings Inc. kahapon, umabot sa P8.49 bilyon ang net loss nito mula Enero hanggang Set­yembre ngayong taon kumpara sa lugi nitong P3.3 bilyon nung parehong panahon noong 2018.

Pagbabayad sa utang at iba pang mga hiniram na pera o assets ang bumubutas sa bulsa ng PAL Holdings.

Ayon sa unaudited consolidated statement of comprehensive income nito, halos tabla lang ang kinikita nito o revenues sa expenses o mga gastusin nito.

Umabot sa P119.9 bilyon ang revenues nito mula Enero hanggang Setyembre ngayon taon samantalang nasa P117.1 bilyon naman ang gastusin nito. Kung tutuusin, lumaki pa nga ang revenues nito dahil nasa P111.6 bilyon lang ito nung parehong panahon nung 2018.

Ngayong taon, umaabot na sa P9.9 bilyon ang financing charges ng PAL Hol­dings, higit na malaki kaysa sa P1.7 bilyon na financing charges na iniulat nito nu’ng parehong panahon nu’ng 2018. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy