Una sa Balita

PAL-Lucio Tan hugas-kamay sa ASF outbreak

0 449

TINIYAK ng Philippine Airlines (PAL) na ang mga tirang pagkain ng pasahero sa kanilang mga flight ay hindi napupunta bilang pagkain ng mga alagang baboy.

Ayon sa statement ng PAL, lahat ng tirang pagkain sa mga flight ay kinokolekta at napupunta sa “worm culture and compost”.

“Philippine Airlines assures that pork meat dishes loaded and served in-flight are free of African Swine Fever,” ayon sa kompanya.

Nauna rito ay naglabas ng pahayag ang isang opisyal ng Department of Agriculture na posibleng galing sa mga airline ang ASF. Isa ring opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nagsabing binabagsak sa Payatas dumpsite ang tirang pagkain ng mga airline at nire-recycle naman ito bilang pagkain ng mga alagang baboy sa bahagi ng Quezon City.

Matatandaang nagpositibo sa ASF ang mga baboy sa Barangay Bagong Silangan at Payatas sa Quezon City kaya’t ipinapatay ang mga baboy dito upang hindi na kumalat sa ibang lugar.

Nauna nang nagpaliwanag ang Cebu Pacific na hindi sila nagse-serve ng pagkain sa flight kaya’t imposible na sa kanilang airline manggaling ang ASF.

Ang PAL ay minamay-ari ng bilyonaryong negosyanteng si Lucio Tan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy