Una sa Balita

PAL-Lucio Tan, Air Asia-Romero duda sa Sangley

0 297

LIMANG airline company ang lumagda ng ‘commitment of support’ sa pag-develop ng Sangley Airport sa Cavite upang lumuwag ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Once Sangley is built, we will have flights there. I think the first step of this is we will be having our cargo turboprop flights there,” deklara ni Cebu Pacific (CebuPac) president at CEO Lance Gokongwei.

Kahit pumirma, duda naman ang mga opisyal ng Philippine Airlines (PAL) at AirAsia kung ililipat nila ang kanilang mga eroplano sa Sangley airport.

“At this point in time,I’m not sure if we still have some turboprops. What we could do is… do some stu­dies… I hope that we can talk about it and discuss it,” ayon kay Vivienne Tan, OIC ng PAL.

Pinaliwanag naman ni AirAsia president at CEO Dexter Comendador na Airbus 320 aircraft lamang ang kanilang ginagamit sa operasyon at hindi ito magkakasya sa Sangley airport.

Kung puwede na ang mga jet sa Sangley, saka pa lang umano lilipat ang AirAsia sa naturang paliparan.

Nangako na si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na tapusin ngayong Setyembre ang konstruksyon sa Sangley upang matupad ang deadline na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagamit sa commercial operation ang paliparan ngayong Nobyembre.

Duda naman si Tugade kung mawawala na ang congestion sa NAIA kapag nailipat na ang ibang aircraft sa Sangley.

“We need a basket of solutions,” saad ni Tugade.

Dumalo rin sa event na ginanap sa PICC sa Pasay City, kahapon si Touris­m Secretary Berna Puyat-Romulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy