Una sa Balita

PAL-Lucio pahirapan mag-refund

By
0 605

PARA kang nakipag-usap sa pader pag hiningi mo sa Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan ang refund mo matapos nitong kanselahin ang flight, reklamo ng netizen na si Faye Pedregosa.

Ayon kay Pedregosa, Nobyembre 2018 nang bumili siya ng dalawang ticket dahil kailangang lumipad nang araw na iyon ng kanyang ina at asawa.

Noong araw ding iyon ay kinansela umano ng PAL ang flight kaya’t napilitang magbiyahe sa bus ang kanyang nanay.
Ang malupit ay wala umanong ni-ha-ni-ho nang kinansela ang PAL flight at dedma lang ang kompanya sa problema nila nu’ng araw na iyon.

Sinubukang humingi ng refund ni Pedregosa pero sinabihan silang sa card ni Pedregosa iiisyu ang refund dahil ‘yun ang ginamit na pambayad.

Subalit mahigit tatlong buwan na ang nakalipas ay wala pa rin ang refund at walang maayos na paliwanag ang PAL.
“It’s like basically talking to a wall with these people,” sabi ni Pedregosa.

“The money ws already taken from my bank. I then requested for a refund because we were never offered the service we have paid for…you cannot just charge for a service you never provided and also have no intention of refunding,” dagdag nito.

Nang una silang humingi ng refund ay sinabihan silang maghintay ng 30 days.

Nang hindi pa rin dumating ay nag-follow up na sila.

Ngayon, tila sinisisisi pa ng PAL ang bangko niya.

Sabi sa kanya ng PAL, “the refund has already been processed. You may coordinate with your issuing bank.”
Giit ng PAL, “it has been processed on our end already… we can only reiterate to have this followed up with your issuing bank” at pinayuhan lang siyang i-follow up ito sa kanyang bangko.

Tinanong ng Abante si PAL spokesperson Cielo Villaluna tungkol sa problema ni Pedregosa pero wala pa itong tugon as of press time.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy