Una sa Balita

PAL itinigil ang biyahe sa Kuwait dahil lugi na

By
0 1,408

IHIHINTO na ng Philippine Airlines (PAL) ang mga flight nito sa Kuwait simula Mayo 16.

Sabi ng PAL, ipinagpatuloy nila ang mga biyahe sa Kuwait kahit na palugi para mabigyan ng serbisyo ang mga Filipino na nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Ngayong taon ay nilibre ng PAL ang pamasahe ng may 900 distressed overseas Filipino worker (OFW) bilang tugon sa panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang ating mga kababayan na nakakaranas ng pang-aabuso sa Kuwait.

Ngayong tapos na ang repatriation, pakaunti nang pakaunti na ang mga Filipino na bumibiyahe sa Kuwait kung kaya’t kailangan na umanong itigil ang biyahe ng PAL sa Kuwait dahil malaki ang ikalulugi nito.

Para sa mga pasahero ng PAL na may ticket patungong Kuwait na lampas sa Mayo 16, puwede umanong i-rebook ang kanilang flight nang mas maaga o puwede silang magpa-reroute sa Abu Dhabi, Dubai o Doha, Qatar at kumuha ng connecting flight papuntang Kuwait sa ibang airline.

Sabi ng PAL, sasagutin nila ang gastos para sa kailangan pa rin tumuloy sa Kuwait. Maaari rin ipa-refund na lang ang ticket na hindi magagamit.