Una sa Balita

PAL, CebuPac ‘wag suwapang – DOTr

0 342

By Eileen Mencias

MAS matinding parusa ang haharapin ng mga airline na hindi ginagamit ng maayos ang kanilang slots sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), pinirmahan na nina Manila International Airport Authority |(MIAA) General Manager Ed Monreal, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco at Civil Aeronautics Board Executive Director Carmelo Arcilla ang joint memorandum circular 2019-01 na naglala­yong maayos ang paggamit ng airport slots para hindi sumikip sa NAIA.

Ituturing ng awtoridad hindi ginamit nang maayos ng airline ang kanilang slot kung kinukuha nila ang mga slot kahit na wala silang planong gamitin ito. Ang pagsuwa-suwapang ng slots para hindi ito magamit ng ibang aircraft operator ay ituturing din na misuse ng slot.

Ayon sa JMC, magbubuo din ng timeslot committee na siyang magsusuri at magmo-monitor ng paggamit ng airlines ng slot. Magkakaroon din ng slot coordinator na siyang mangunguna sa pagsulong ng disciplinary action laban sa airline na nananadyang mag-misuse ng allocation nito.

Patitindihin na rin ang parusa sa hindi wastong paggamit ng slot. Ang airline na hindi sumusunod sa timeslot nito parati ay mawawalan ng prayoridad sa oras nito o sa allocated na oras nito at hindi na sila priority sa pagbigay ng slots sa hinaharap.

Dahil sa pagdami ng mga pasahero, mas kinakailangan nang ilagay sa ayos ang paggamit ng slots sa NAIA. Ayon sa DOTr, 36.5 milyon lang ang pasaherong dumadaan dito noong 2016 pero umakyat na ito sa 45 milyon nu’ng 2018 kaya’t dumami din ang flights.

Ang may pinakamaraming eroplano sa NAIA ay ang Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan at ang Cebu Pacific (CebuPAc) ng mga Gokongwei.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy