Una sa Balita

Pal, Cebupac pahirap sa semana santa ­­— Ping

0 158

MULING nairita si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa mga airline company kaugnay sa mga delayed flights sa gitna ng pagdagsa ng mga turista, ngayong Semana Santa.

Sinabi ni Lacson na responsibilidad ng mga airline company na maagang abisuhan ang kanilang mga pasahero hinggil sa mga naantalang biyahe upang makagawa pa ng kapaki-pakinabang na bagay ang mga ito sa halip na tumunganga lamang at maghintay ng kanilang eroplano.

Sa kanyang tweet, aminado si Lacson na dapat nang tanggapin ng mga pasahero ang mga delayed flight subalit iginiit na dapat gawin ng mga airline company ang kanilang mandato na bigyan pa rin ng maayos na serbisyo ang mga pasahero sa pamamagitan ng maagang pagbibigay ng impormasyon.

“Since flight delays are given, disservice may still be turned into public service by informing the passengers ahead of time so they can be productive and not paralyzed by boredom while waiting for announcements in a congested are called NAIA. Mahirap bang ilagay sa kukote yun?” saad ni Lacson.

Walang binanggit na airline si Lacson pero ang Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan at Cebu Pacific ng mga Gokongwei ang may pinakamaraming eroplanong bumibiyahe sa bansa.

Sinikap ng Abante na hingan ng pahayag ang PAL at CebuPac subalit wala pa silang komento.

Magkakaiba naman ang reaksyon ng netizen sa tweet ni Lacson.

“It is a sad situation that can quickly escalate to infuriating if not addressed soonest,” sagot ni @josekintanar.

“Hayahayay…Se, laging naka-penetensya mode talaga pinoys…#nowater #noelectriciy #downtelecomnetwork #banksystemupgrade #heavytraffic #landpatriairtraffic anything more? Parang sinakluban na ng langit ah..” saad naman ni @MattaArlene.

“Maybe that 15B senate building should be spent for naia runways?” sagot naman ni @engkantu.(Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy