Una sa Balita

PAL, CebuPac binara sa rebooking fees sa Clark

0 321

Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga airline sa Clark International Airport (CRK) na huwag nang maningil ng rebooking fees sa mga pasaherong naapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa ilang parte ng Luzon noong Lunes ng hapon.

Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na nakipag-ugnayan na sila sa mga airline representatives at sa Clark International Airport Corporation (CIAC) para agarang maipatupad ang nararapat na pabor sa mga pasaherong naapektuhan at ipaalam ang nangyaring sitwasyon sa bansa.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Communications Goddes Hope Libiran, inatasan din ni Sec. Tugade ang airport staff na magbigay ng pagkain at inumin sa mga na-stranded na pasahero.

Kasabay nito ang pagbibigay ng special permits sa ilang bus companies na maglaan ng shuttle services sa mga pasahero na piniling umuwi muna at ipagpaliban ang paglabas ng bansa.

Nabatid na nasa 24-hour shutdown ang Clark International Airport simula pa noong Lunes ng alas-7:40 nang gabi at pansamantalang itinigil ang operasyon ng local and international flights dahil sa naganap na pagyanig na kung saan pito katao ang nagtamo ng minor injuries nang bumigay at bumagsak ang kisame ng check-in lobby area.

Wala namang nakitang damage sa runway ng airport at sa daanan ng mga sasakyan.

Tinatayang 104 flight ang nakansela nitong Martes dahil sa ginawang pagsasara sa Clark airport.

Kabilang sa mga airline na nagkansela ng flight ay ang Philippine Airlines ng negosyanteng si Lucio Tan at ang Cebu Pacific ng mga Gokongwei. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy