Una sa Balita

PAL binalasubas ang

By
0 1,230

PUMAYAG man ang Phi­lippine Airlines (PAL) sa pamahalaan na mag-refund nang walang bayad sa mga apektado sa pagsasara ng Boracay sa mga turista, isang pasahero naman ng airline company na pag-aari ng business tycoon na si Lucio Tan ang tila nagulangan umano dito.

Sabi ni Dianne Rose Mendoza, nagbayad siya ng P25,860 para sa flight niya sa Boracay. Humingi siya ng refund noong Abril 6 pero P1,500 lang ang isinauli sa kanyang pera noong Abril 27.

Sinabihan umano siya ng customer service ng PAL na buo ang refund na kanyang makukuha pero kailangan niyang maghintay ng 60 araw o dalawang billing cycle para makapag-coordinate pa sa bangko.

Pakiramdam pa ni Mendoza, sinisisi ng PAL ang bangko kung bakit matatagalan ang pag-refund sa Boracay flight niya.
Ipinahayag naman ni PAL spokesperson Cielo Villaluna na noong Abril 7 ay naglatag sila ng guideline para sa pag-refund o pag-reroute ng mga flight na apektado ng pagsasara ng Boracay na mga turista.

Tinanong ng Abante ang PAL kung bakit hindi ibinigay ang buong refund ni Mendoza kung Abril 27 pa naman isinauli ng PAL ang pera nito.

Sabi ni Villaluna, iniimbestigahan pa ng PAL ang kapalpakan.