Una sa Balita

PAL, AirAsia humirit ng cargo fuel surcharge

By
0 290

PAGKATAPOS itaas ang pasahe sa eroplano dahil pinayagan na ang mga airline na magpataw ng fuel surcharge, pagpataw naman ng cargo fuel surcharge ang inaaral ng Civil Aeronautics Board (CAB) ngayon.

Ito ay matapos na magsumite ng petition ang Philippines Air Asia Inc. at Philippine Airlines Inc. para maningil ng cargo fuel surcharge.

Ang hiling na cargo fuel surcharge ng Philippines Air Asia ay nasa piso hanggang P7 sa bawat kilo.

Ang hiling naman ng PAL ay 17 hanggang 27 sentimo per kilo para sa international cargo at P1.33 hanggang P2.62 kada kilo sa mga domestic air cargo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy